sa trabaho

sa trabaho

Ala una y media ang oras ngayon dito sa opisina. ikkwento ko ngayon kung anung nangyayari sa aming munting opisina. Naririnig ko ngayon ang mga bungenge ng mga banyagang tao na nakikipag usap sa mga kliyente. nasa kabila ng mesa ko ay ang tagapamahala operasyon hehe. wow ang galing ko mag tagalog. kanina pa sya nasa telepono. ako naman eh nasa mesa ko. kumakain ng saging, may 2 tsokolate ng cadbury at may isang baso ng tubig. kung nakakapagtaka na ang sulat kong to ay nasusulat sa wikang tagalog, yun eh dahil parang kahit tingnan ng kung sino mang chismosa ang lumapit sa monitor ko eh wala silang maiintindihan.hehe. talino.
at kung nakakapagtaka kung bakit ako nakakapagsulat ng ganito habang nasa trabaho eh dahil break ko ngayon. teka anu bang tagalog sa break. isang oras na pahinga.

naririnig ko rin yung briton kong katrabaho na para akong nakikinig kay hermione ng harry potter kung magsalita. tuwing magsasalita sya (eh ang lakas pa naman ng boses), pakiramdam ko eh nasa shooting ako ng harry potter o nanonood ng alice in wonderland. iguhit mo sa iyong imahinasyon yung mga sinaunang babae na nakapayong, gwantes at magagarbo ang mga damit na parang nasa pelikulang titanic, hindi ganun ang damit nya! hehe pero ganun sya magsalita!

ayun isa pa, yung katrabaho ko naman na lalaking macedonian. tuwing magsasalita sya lagi na lang meron ‘right?’ blah bla blah ‘right?, hehe. subukan mo left naman kuya. bakit hindi?!

eto pa ang isa. yung sa teknikal ng suporta naman ng grupo. Asyano rin ang loko. galing sa eropagnis (pag binaligtad) pag nagsalita naman parang gusto kong kumain ng siomai at siopao. kasi chekwa ang lolo mo. ganito naman ang banat nya “hello what is it regarding about?” hirap tagalugin! nose bleed!

absent na naman yung katrabaho ko na di kasipagan. babae rin. di na yata nakakabuo yun ng isang linggo na papasok sya sa trabaho. pambihira talaga. ang sipag talaga ng pinoy. tulad ko masipag. hehe. hanep!

pero sa totoo lang dapat di ako papasok ngayon dahil ang lakas ng hangin kaninang umaga. ang sama sa loob ko gumising ng maaga at maligo. ang lamig kaya! putek! ang lakas pa ng hangin sa labas. nasambit ko tuloy ang mga katagang “kung sa pinas to wala na sanang pasok!” yown! ganon ang masipag!

nako malapit na matapos ang isang oras kong pahinga. paalam muna..

2 thoughts on “sa trabaho

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s