usapang pag ibig

usapang pag ibig

may mga bagay sa buhay ng tao na mahirap ipaliwanag. may mga pangyayaring akala mo sa pelikula lang nangyayari pero ang totoo, baligtad, ang mga ideya ng pelikula ay hango sa tunay na buhay na nangyari, nangyayari o maaaring mangyari sa buhay ng sinuman. pero sa lahat ng mga naipalabas sa pinilakang tabing, mapa-aksyon,comedy,drama at isama mo na rin ang horror, halos lahat merong kasamang eksena tungkol sa pag ibig.

parang sa tunay na buhay. bawat isa may kanya kanyang kwento ng pag ibig. nagiging makulay ang mundo kung ang puso ng dalawang tao ay tumitibok ng ayon sa tugtog ng iisang musika. o anung sarap ng gumising ka tuwing umaga ng may ngiti sa iyong mga labi, parang ang lahat ng mga natatanaw ng iyong mga mata ay may buhay at puno ng sigla. walang araw ang lumipas na hindi sumagi man lang sa isip mo ang taong alam mong ang isipan ay ikaw rin ang laman. sinong makakalimot sa unang araw nang ang kamay ng dalawang nag iibigan ay magdikit, nagdala ng parang kuryenteng sensasyon habang ang puso ay mabilis na tumitibok. walang kapantay na kasiyahan ang kapalit ng tamis ng halik na pinagsaluhan ng dalawang nag iibigan.tumitigil ang mundo habang ang mga labi’y magkalapat na animo’y naghihintay ng mga bituin na bumagsak sa lupa.
haaay ang sarap nga namang umibig. halos gusto mong tumigil ang panahon sa tuwing kayo ay magkasama, humihiling na sana’y walang katapusan ang bawat sandali na tila langit ang pakiramdam.

sa kabila nito, may realidad sa ating buhay ang kailangang harapin. ang panahon ay tumatakbo. mabilis. walang pakialam sa mga taong hindi marunong sumabay dito. kasabay ng kanyang mabilis ng pagkilos ay ang mga pagbabago rin na nagaganap sa pisikal at emosyonal na katangian ng tao. maraming nangyayari sa paglipas ng panahon. halimbawa sa pag ibig. maaaring ang dalawang tao na sabihin na nating itinadhana na ay sa bisig pa rin ng ibang tao maaaring lumigaya. ang ganitong desisyon ay pwedeng napagkasunduan ng magkabilang panig o kaya naman, ang isa ay umayaw na. sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdam mo ay pinagsakluban ka ng sanlibutan. walang ganang kumain, lumabas, o gumawa ng mga bagay.baket kamo? kasi halos lahat ng mga bagay na nakikita mo eh nagpapaalala ng nakaraan. kung noon, saya at ngiti, ngayon lungkot at sakit ang bumabalot sa buo mong pagkatao. iniisip mo hanggang kelan ka lilingon sa nakaraan?hanggang kelan mo hahayaang ang puso mo ay paulit ulit na saktan ng nakalipas na. umaasa kang isang araw, mapapagod ka rin. hanggang sabihin mo na mismo sa sarili mo na ayoko na. tama na.

sa ganitong pagkakataon, nandyan na naman ang panahon. sa pangalawang pagkakataon, babaguhin nya ulit ang sarili mo pero ngayon para makalimot. hahayaang tangayin na lang ng paglipas ng araw ang sakit ng iginuhit sa iyong dibdib, aasa na sa bawat galaw ng kamay ng orasan, hindi magtatagal ay manunumbalik ang saya at sigla na minsan ay pumuno sa iyong makulay na mundo. sa pagdaan ng mga araw, mararamdaman mong unti unti ay nagiging normal na ang lahat. maaaring hindi kasing kulay ng nakaraan ang kasalukuyan subalit kahit ganun, wala ng ang sakit na naidulot ng nakalipas.

sa bandang huli, ilang katanungan pa rin ang paulit ulit gumugulo sa iyong isip. matapos ang lahat, kailan ka magiging handa para muling umibig? sarado na ba ang puso na minsang nagmahal ng tapat? kailan mo masasabing handa ka nang muli? may takot sa likod ng iyong isip, may kaba na hindi na maiaalis.

hanggang kailan ang iyong hihintayin para sabihin mong, handa na ako. masabi sa taong nagmamahal sayo ng “para sa iyo, magmamahal akong muli.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s