isang araw ng hwebes

isang araw ng hwebes

araw na dapat ay nasa trabaho.mas pinili kong wag na lang pumasok at mag stay na lang sa bahay. kagabi habang tumitingin ako sa facebook, may nakita akong video. ang pamagat nya satan’s meeting. mejo tinamaan ako sa sinasabi nung video. sabi doon ang salitang BUSY daw ay B-being, U-under, S-satan’s, Y-yoke. Ganito raw, may meeting daw ang mga may sungay.Napagkasunduan nilang gawing busy ang mga tao para mawalan ng oras unang una kay Bro, tapos sa pamilya. Ang mga mag asawa raw dapat magtrabaho ng madalas para matustusan ang mga worldly needs. Bigyan raw ng sakit ng ulo (siguro stress) ang mga babae para daw sa gabi hindi na magampanan ang tungkulin sa kabiyak. In the end maghahanap raw ng iba ang partner. Yung mga magulang raw mawawalan ng oras para sa mga anak.

Mejo tinamaan ako dito.Madalas kong nababanggit sa sarili ko “ang bilis ng araw”. Paulit ulit na lang pare-parehong gawain. At the end of the day hindi rin naman ganun kasaya. Sa sobrang bilis ng oras, unti unti ng nabubuo ang STRESS sa vocabulary ko. Dati di ko sinasabi yan eh. Sabi ko di ako nasstress. Lately, napapansin ko unconsciously ginagamit ko na yan pang describe sa nararamdaman ko. Sa sobrang bilis ng oras, pagod, di ko na napapansin yung mga maliliit na bagay na mas importante.

Kagabi halu-halo ang nararamdaman ko-sakit,pagod,lungkot at takot. Parang wala ng saysay ang nangyayari sa buhay ko dito. Totoo talaga ang kasabihan na hindi pera ang nagpapasaya sa tao. Totoo rin ang kanta sa simbahan na “walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang”.

Ngayong araw na to, binigyan ko ang sarili ko na mag STOP. Sa tingin ko masyado akong nagmamadali. Hinahabol ang bilis ng takbo ng oras. Kailangan kong tumigil kahit sandali. Hinayaan ang sarili na umiyak, ilabas ang hinanakit at pangamba. Mahalaga sa akin ang araw na to dahil ngayon ang araw na ako ay tumahimik. Nakikinig kung anong mensahe ang gustong iparating ni Bro. Isang araw na Sya lang ang kausap na hindi gumagamit ng salita. Sa kabila ng katahimikan, alam mong Sya lang ang tunay na nakikinig. Walang panghuhusga. Puno ng pang unawa at pagmamahal.

Magsimula ka ulit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s